Inilabas ng gadget experts ang isang klase ng video player na kasing-laki lamang ng credit card.Bagamat maliit lamang ang Neon M3 Mini Video Player, kaya nitong magpalabas ng full-size at high resolution screens na tatagal ng walong oras makaraang makargahan ang baterya sa pamamagitan ng USB.
Ito’y may de-ilaw na mga pindutan na heat sensitive at 2.4-inch hanggang 2.8 inch LCD screen na ubod nang linaw na may 2 gigabytes built-in storage.
Kabilang sa mahahalagang features nito ang kakayahang magpalabas ng video at audio at uubra ding makapagsagawa ng voice recording.
Mayroon din itong built-in FM radio at integrated speaker na maaaring gamitan ng high-tech headphones.

0 comments:
Post a Comment